OCTA research nababahala sa pagluwag ng domestic travel requirement

Nababahala ang OCTA Research Group sa pag-alis ng pamahalaan sa mga domestic travel requirements gaya ng mandatory testing at quarantine sa pagbiyahe sa loob ng bansa.

Sinabi ni OCTA Research fellow Professor Guido David na kailangan magkaroon pa rin ng border control dahil hindi naman lahat ng lugar ay pare-pareho ang estado sa coronavirus disease.

Posible anyang mahawa ang mga lugar na maganda na ang sitwasyon kung basta na lang makapapasok doon ang mga indibidwal nang walang sapat na screening.

Hiling ni David na pag-aralang mabuti ang mga panuntunan para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus sa bansa.

Suportado naman ng Department of Health ang desisyon ng IATF dahil kadalasan umano ay nagiging irasyonal na ang mga travel requirement.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinasabi ng mga eksperto na mas mainam na i-test na lamang ang mga may sintomas ng sakit.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/27/21/octa-research-nababahala-sa-pagluwag-ng-domestic-travel-requirements

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.