Inaasahan na dadami pa ang frontliner na magpapabakuna

Noong Marso 1, nagsimula sa coronavirus vaccine rollout ang Pilipinas, na nahuhuli na kung ikukumpara sa mga karatig-lugar sa Southeast Asia pagdating sa pagpapabakuna kontra COVID-19. Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 70 milyong katao sa populasyon ng bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahan nila na dadami pa ang frontliner na magpapabakuna sa mga darating na araw.

Nagpasalamat naman si Pasig City Mayor Vico Sotto sa health care workers sa kanilang sakripisyo ngayong novel coronavirus disease pandemic.

Ani Sotto, “Iyong pagsuot ng PPE sa emergency room nang 7 to 8 hours lahat po ‘yan, kayo po ang nakaranas niyan. Hindi naman kami, kaming politiko ‘pag gusto naming umupo, puwede kaming umupo. Pagod din naman kami pero nakakapagpahinga kami hindi gaya ng health care professionals natin na talagang minsan walang pahinga.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/02/21/vaccine-rollout-sa-iba-pang-ospital-sa-metro-manila-umarangkada-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.