Ilang medical frontliner ang umatras sa pagpapabakuna

May ilang medical frontliner ang umatras sa pagpapabakuna gamit ang Sinovac vaccines mula China dahil sa napapaulat na mababang efficacy rate nito.

Ayon kay Imelda Mateo, chief ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina, kaunti lang sa mga nag-pre-register na frontliner sa pagpapabakuna ang sumipot sa simula ng kanilang inoculation drive.

Aniya, 120 lang ang sumipot mula sa 1,200 na pumirma at nagbigay ng consent na mabakunahan sila noong panahon na ang inaasahang bakuna ay AstraZeneca o Pfizer mula sa COVAX facility ng World Health Organization.

Pero noong malaman na Sinovac ang unang ibibigay ay nagsiatrasan umano ang karamihan. Aniya, hindi daw sila nagkulang sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa bakuna.

Ani Mateo, “It’s equivalent to the other brands so ‘yun ang motive natin. Ma-prevent at ma-down ‘yung chance na ma-confine, ‘yung probability of severe incubation, sometimes death.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/02/21/vaccine-rollout-sa-iba-pang-ospital-sa-metro-manila-umarangkada-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.