Vaccine rollout sa iba pang ospital sa Metro Manila umarangkada na

Umarangkada na ang novel coronavirus disease vaccine rollout ng iba’t-ibang lungsod sa Metro Manila kasabay ng pagdating ng Sinovac vaccines mula China.

Nagsimula na ang COVID-19 vaccination program ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Sta. Ana Hospital, kung saan 200 health workers ang inaasahang magpapabakuna.

Unang naturukan si Vice Mayor Honey Lacuna na isang doktor. Naturukan din ang pinuno ng Manila City Health Office at Sta. Ana Hospital.

Aabot naman sa 153 ang target bakunahan sa Pasig City General Hospital at Pasig City Children’s Hospital sa pag-arangkada ng vaccination program sa lungsod.

Si Dr. Nerissa Sabarre, head ng COVID-19 referral facility ng Pasig City Children’s Hospital, ang unang nabakunahan sa “symbolic” na vaccination ceremony ng lungsod.

Wala namang naramdamang adverse effects ang mga nabakunahan gamit ang Sinovac coronavirus vaccines mula China sa ngayon.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/02/21/vaccine-rollout-sa-iba-pang-ospital-sa-metro-manila-umarangkada-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.