Mga apektado ng ‘Rolly’ na nasa evacuation centers pa rin dinalhan ng tulong

Tatlong buwan nang naninirahan sa isang classroom ang pamilya ni Florivic Baldoza, residente ng Guinobatan, Albay na lumikas mula sa kanilang bahay sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Rolly noong Nobyembre.

Modular tent ang nagsisilbing kuwarto nina Baldoza habang mesa ng teacher naman ang kusina at mistulang cabinet ang mga arm chair ng mga estudyante.

Higit 100 pamilya ang nakatira ngayon sa Marcial Rañola Memorial School, isa sa 3 paaralang kumukupkop ng mga evacuee sa Guinobatan. Wala na silang bahay na babalikan dahil natabunan na ang mga ito ng malalaking bato at lahar.

Nakapagsimula naman ng tindahan ang evacuee na si Rosemarie Rodriguez, kung saan sa grill ng bintana ng classroom naka-display ang kaniyang paninda.

Ayon kay Rodriguez, mahirap umasa sa relief goods na dumalang na ang dating.

Aniya, “Sarili talagang sikap para makaraos sa pang-araw-araw.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/23/21/mga-apektado-ng-rolly-na-nasa-evacuation-centers-pa-rin-dinalhan-ng-tulong

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.