‘Papel Mo sa Kinabukasan Ko’ naghatid ng tulong sa mga paaralan sa Cagayan

Ilang buwan inihanda ng mga guro ng Gabut, Goran, at Waig elementary schools sa bayan ng Amulong sa Cagayan ang pag-imprenta ng modules ng kanilang mga estudyante, pero sinayang ito nang magkasunod na humagupit ang bagyong Vicky at Rolly at nalubog sa baha ang kanilang mga eskuwelahan.

Bumagsak ang mga kisame sa Goran Elementary School habang nasira naman ang mga upuan at mga computer ng Waig Elementary School.

Ayon kay Elda Castro Pulido, head teacher ng Gabut Elementary School, “Sira po lahat, inabot hanggang bubong yung baha nung December kaya wala po kaming na-retrieve…Printers, modules, bond papers—lahat sira. Hindi namin naisalba dahil mabilis ang agos.”

Ayon kay Pulido, ang paaralan nila ay may 167 mga estudyante at 8 guro. Nasa likod lamang ng kanilang eskuwelahan ang Cagayan River.

Laking pasalamat ni Pulido sa mga taong nag-abot ng tulong sa kanila para muling makabangon.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/25/21/papel-mo-sa-kinabukasan-ko-naghatid-ng-tulong-sa-mga-paaralan-sa-cagayan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.