Parañaque, inaasahan ang 200k doses ng AstraZeneca sa 2nd quarter ng taon: Olivare

Nakalatag na ang vaccination program ng Parañaque para sa pagdating ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, mayroon silang inisyal na order na 200,000 doses ng bakuna mula sa AstraZeneca.

Pahayag ni Olivarez, “Hinihintay na lang natin delivery. Late second quarter darating.”

Bukod dito, patuloy pa rin aniya ang lokal na pamahalaan sa pakikipagnegosasyon sa iba pang mga kumpanya ng COVID-19 vaccine tulad ng Pfizer, Moderna, at Novavax.

Una sa listahan ng mga residenteng mababakunahan ay ang mga health workers at senior citizensMay inihanda na rin silang anim na vaccination centers at nakapag-train na rin sila ng vaccinators, sa tulong ng Department of Health.

Sabi ni Olivarez, “Initially, nag-organize kami ng 4 na vaccination team per vaccination center. Depende po as the need rises, doon tayo magdadagdag ng vaccination team.”

Ang isang team ay tinatayang may 10 miyembro.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/26/21/paraaque-inaasahan-ang-200k-doses-ng-astrazeneca-sa-2nd-quarter-ng-taon-olivarez

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.