Pilot implementation muna sa face-to-face classes

Kailangan munang magkaroon ng pilot implementation ng face-to face classes bago muling magsimula ng klase sa buong bansa.

Ayon kay Senador Sonny Angara na dapat maging maingat ang gobyerno bago simulan ang face-to-face learning dahil andyan pa rin ang panganib ng COVID-19.

Iginiit ni Angara na, nais din niya na bumalik ang mga estudyante sa learning school dahil mas nakakawala ito ng stress at pressure sa mga mag-aaral at sa mga magulang na napipilitan sa blended learning dahil sa pandemic.

Subalit bago magsimula ang planong face-to-face classes ay mas mabuting magkaroon muna ng pilot implementation para makita kung paano ito magiging maayos at dapat munang pumili ng isa o dalawang probinsya na walang kaso ng coronavirus.

Dapat din handa ang health system sa lugar na mapipili dahil mayroong mga ulat sa ibang bansa na ang face-to-face classes ay nagsisilbing super spreader events.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/03/01/2081051/pilot-implementation-muna-sa-face-face-classes

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.