Pagpapabaya ng anak sa magulang, nais gawing krimen

Nakasaad sa Senate Bill 2061, na inihain ni Senador Lito Lapid, pagtitibayin nito ang tungkulin ng mga anak sa kanilang magulang na matatanda na at may mga sakit sa edad na 60-anyos pataas.

Paliwanag ng Senador base sa ulat ng Commission on Human Rights hindi lang nakikita sa Pinas ang isyu ng pang- aabuso sa mga matatanda, disabled at hindi na makalakad na magulang kabilang ang pisikal, seksuwal, psychological, emosyunal at financial abuse, pag-aabandona, pagpapabaya at seryosong pagkawala ng dignidad at respeto.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng karapatan ang matatanda na nanga­ngailangan sa pamamagitan ng kinatawan ng Department of Social Welfare and Development, na maghain ng kaukulang kasong kriminal laban sa kanyang mga anak kapag hindi siya sinuportahan.

Kabilang sa suportang dapat ibigay ay ang tirahan, damit, medical assistance at lahat ng iba pang panga-ngailangan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/02/26/2080455/pagpapabaya-ng-anak-sa-magulang-nais-gawing-krimen

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.