Sinovac vaccines, dumating ng Cebu at Davao

Matapos simulan ang vaccination program sa Metro Manila noong ika-1 ng Marso, dumating noong Martes sa Cebu at Davao ang mga bakuna mula sa Sinovac.Nagsimula ang pagbabakuna sa mga nabanggit na lungsod ika-3 ng Marso.

Pagkaraan ng isang oras at 16 minutong paglipad, ang 7,000 dosis ng Sinovac vaccines ay dumating ng Cebu, lulan ng Philippine Airlines flight. Lulan din ng PAL flight ang 12,000 dosis ng bakuna sa Davao.

Ang naturang mga kargamento ay bahagi ng 600,000 dosis na donasyon mula sa Tsina, na dumating ng bansa nitong nagdaang Linggo.

Ang mga bakuna ay inilipat sa mga cold-storage vans, at dinala sa mga ospital kabilang ang Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Ang Metro Manila, Cebu City at Davao City ay tatlong priyoridad na lugar sa pagbabakuna na itinakda ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas.

Source: http://filipino.cri.cn/20210302/42ca6b2b-610c-b74b-af42-18873357cd24.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.