Postponement ng face-to-face classes, ok sa DepEd

Nagpahayag ng suporta ang Department of Education sa desisyon ni Pangulong Duterte na ipagpaliban muli ang pilot implementation ng face-to-face classes.

Ito’y sa gitna pa rin nang nananatiling banta ng COVID-19 at patuloy na pagkaantala ng pagdating ng mga bakuna laban dito.

Sinabi ng DepEd na nauunawan nilang mahalagang mabigyan muna ng bakuna ang mga mamamayan laban sa virus bago tuluyang magdaos muli ng face-to-face classes.

Anang DepEd, habang hinihintay pa ang muling pagpapabalik sa mga eskwela ay ipagpapatuloy muna nila ang paghahanda ng mga action plans para dito.

Sabi pa ng DepEd sa isang pahayag, “We understand that the availability and roll out of vaccines in the country are critical factors for this undertaking.”

Nauna rito, sinabi ng Malacañang na hindi sinang-ayunan ng Pangulo ang planong pagpapatuloy na ng face-to-face classes hanggang sa Agosto dahil sa COVID-19 threat.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/02/26/2080449/postponement-ng-face-face-classes-ok-sa-deped

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.