‘Ginagawa kaming lab rats’: Grupo ng BPO, magsasaka tutol na unang turukan ng Sinovac

Tutol ang grupo ng mga business process outsourcing workers at magsasaka na mauna silang turukan ng coronavirus vaccine.

Ito ay matapos sabihin ng Malacañang na pang-apat sa priority list ang gustong unahin sa pagtuturok ng Sinovac, matapos na hindi tahasang irekomenda ang bakuna ng China sa health workers.

Para sa BPO Industry Employees Network, lalo lang pinatunayan ng pamahalaan ang kawalan ng pagpapahalaga sa kanila dahil sa pagtutulak ng bakunang mahigit 50 porsiyento lang ang efficacy rate nang gamitin sa ibang bansa.

Ayon sa spokesperson ng grupo, “We don’t feel prioritized at all, we feel na…parang ginagawa kaming lab rats sa isang clinical test. We deserve a better…vaccine. Pagkagastusan naman nila kami.”

Insulto rin ang turing ng Katipunan ng mga Samahang Magsasaka sa Timog-Katagalugan sa panukala. Hamon nila na mga kawani ng gobyerno ang mauna sa pagpapaturok ng nasabing bakuna.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/25/21/ginagawa-kaming-lab-rats-grupo-ng-bpo-magsasaka-tutol-na-unang-turukan-ng-sinovac

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.