2021 MWC Shanghai, pinasinayaan

Sa pagtataguyod ng Global System for Mobile Communications Association o GSMA, pinasinayaan nitong ika-23 ng Pebrero ang tatlong araw na 2021 Mobile World Congress sa Shanghai sa bansang Tsina.

Sa panahon ng pagtitipong ito, tatalakayin ng mahigit 200 eksbitor mula sa loob at labas ng Tsina ang tungkol sa mga aspektong gaya ng 5G connection, Artificial Intelligence, at inobasyon ng mga bagong-tatag na kompanya.

Ayon sa tagapagtaguyod, dahil sa mabisang pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019, idinaraos ang unang eksbisyon ng MWC sa Shanghai.

Isa pa aniya sa mga dahilan ay ang napakalakas na pag-unlad ng industriya at napakamodernong impraestruktura ng mga 5G station ng Tsina.

Source: http://filipino.cri.cn/20210224/e0e7fc8f-8977-5ac6-b1ed-492cb4e4981d.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.