PNP, AFP nauna na rin sa vaccine

Umarangkada rin noong Lunes ang pagbabakuna sa mga tauhan ng Philippine National Police at sa Armed Forces of the Philippines.

Sa PNP, isa sa unang nabakunahan ang hepe ng Health Service ng command na si Brigadier General Luisito Magnaye.

Bukod sa kanya, nagpaturok na rin kahapon sina PNP General Hospital Chief, Dr. Lieutenant Colonel Cleto Manongas, kasama ang PNP health workers.

Ayon naman kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kumpleto na ang mga nagboluntaryo na mabakunahan ng inisyal na 800 dose ng bakuna na alokasyon ng PNP General Hospital.

Maging ang tanggapan ng Department of National Defense at AFP ay umarangkada na rin ang pagbabakuna na isinagawa sa Veterans Hospital at sa iba pang military hospital.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/03/02/2081316/pnp-afp-nauna-na-rin-sa-vaccine

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.