Ilang eksperto nababahala sa pag-alis ng swab test requirement sa Cebu province

Nababahala ang ilang eksperto sa utos na nagsasabing hindi na kailangang magpa-swab test ang mga turistang papasok ng Cebu province, habang may banta pa rin ng COVID-19 at pagdami ng kaso sa lugar.

Ayon sa utos ng provincial government ng Cebu, hindi na kailangan ang negatibong resulta sa swab test. Medical certificate at pre-booking sa resort o hotel ang kailangan.

Pero idiniin ng OCTA Research, na grupo ng mga nagsasaliksik, na mahalaga ang swab test para matunton kung sino ang mayroong sakit.

Ani Dr. Butch Ong, miyembro ng grupo, “Para makita talaga ang tunay na situation in any area, in any lalawigan, kahit anong siyudad or probinsiya, kailangan talaga natin ang testing.”

Dagdag niya, “We need to monitor kung sino talaga, kasi marami sa mga kababayan natin ay asymptomatic ano. So, iyong paglipat ng isang tao from area to another na asymptomatic could become a problem kapag mataas ang viral load ng traveler na iyon.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/23/21/ilang-eksperto-residente-nababahala-sa-pag-alis-ng-swab-test-requirement-sa-cebu-province

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.