OFW sa Israel na nabakunahan kontra COVID-19 panandaliang sumakit ang katawan

Ayon kay Marcuz Maguilang, isang overseas Filipino worker na caregiver sa Israel, una siyang nabakunahan ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer noong Enero 7 at sinundan ng ikalawang dose noong Enero 27.

Kuwento ni Maguilang, “Sa first dose medyo sumakit katawan ko at medyo lumolobo din ‘yung turok ng karayom. Nag take lang ako ng para sa sakit ng katawan and then…nawala din after ilang oras.”

Mahigpit na ipinapatupad ng Israel ang pagbabakuna lalo na sa mga tulad niya na caregiver.

Sabi niya, “May ibinigay sila (na) certificate na nabakunahan na ako, and then, this week po hindi pa po nila ibinibigay ‘yung tinatawag nilang green card, ginagamit sa amin kung pwede na kaming pumasok sa mga mall at…public places.”

May mga nabakunahan din sa Israel na nagkaroon ulit ng COVID-19 pero hindi na naging grabe pa ang kanilang kundisyon.

Dagdag niya na kahit pa nabakunahan na ay pinagsusuot pa rin sila ng face mask.

Source: https://news.abs-cbn.com/video/news/02/24/21/ofw-sa-israel-na-nabakunahan-kontra-covid-19-panandaliang-sumakit-ang-katawan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.