Anak, maaari nang mamili sa apelyido ng ama o ina

Maaari nang mamili ang isang lehitimong anak kung apelyido ng ama o ina ang kaniyang gagamitin makaraan ang desisyon ng Supreme Court na pagbigyan ang kahilingan ng isang lalaki na gamitin ang apelyido ng kaniyang nanay.

Iginiit ng SC na kailangang ipatupad ang pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa batas at ang responsibilidad ng pamahalaan na buwagin ang “patriarchy” na pananaw.

Sa desisyong ibinaba noong ika-11 ng Nobyembre, na inilabas lamang ngayon, pinagbigyan ng SC Third Division ang petisyon ni Anacleto Ballaho Alanis III na gamitin ang apelyido ng ina na Ballaho sa halip na ang apelyido ng ama.

Nabatid na naghiwalay ang kaniyang mga magulang noong limang taong gulang pa lamang si Anacleto.  Una niyang hiniling sa Zamboanga Regional Trial Court na baguhin ang kaniyang apelyido sa birth certificate na hindi pinagbigyan.

Nakarating ang kaso sa SC na binaligtad ang desisyon ng mababang korte.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/02/27/2080693/anak-maaari-nang-mamili-sa-apelyido-ng-ama-o-ina

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.