Motor Vehicle Testing, hindi na mandatory – LTO

Matapos ang kaliwa’t kanang panawagan mula sa mga motorista, binawi na ng Land Transportation Office ang nauna nitong kautusan na gawing mandatory ang vehicle testing bago mairehistro.

Sa Memorandum Order na pinirmahan ni LTO Chief Edgar Galvante, boluntaryo na lamang ang pagkuha ng vehicle testing sa mga Private Motor Vehicle Inspection Center.

Ibinaba rin ng LTO ang singil sa inspection fee kung saan 300 piso na lamang sa mga For Hire Vehicles, 500 piso sa mga motorsiklo at 600 piso sa iba pang sasakyan.

Hindi na rin private testing centers ang gagawa ng inspection at emission testing bagkus mga empleyado na ng LTO ang gagawa nito.Una nang ipinanawagan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection at iba pang sektor ang pagbuwag sa Motor Vehicle Inspection dahil ugat lamang daw ito ng dagdag pahirap sa mga motorista.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/02/26/2080430/motor-vehicle-testing-hindi-na-mandatory-lto

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.