DILG, DOT nais padaliin ang pagbiyahe ng mga turista

Nais ng Departments of Tourism at Interior and Local Government na mas padaliin ang pagbiyahe at gawing standard ang mga requirement ng mga local government unit sa mga turista.

Ito ay matapos lumabas sa survey ng DOT na 8 sa 10 Pilipino ang nagsabing nakakalito ang iba-ibang requirement sa bawat lugar.

Ani Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, “A lot of people want to travel pero nako-confuse sila kung ano-ano ba requirements. At kahit na gusto nila from one province to another, ayaw na nila kasi pabago-bago ang mga LGU requirement.”

Sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, “We’re not saying we should do away with all travel restrictions…Let’s require something common for all travelers.”

Mayroon kasing mga lugar, halimbawa, na tumatanggap ng mga bisita basta makapagpakita lang ang mga ito ng negatibong resulta sa COVID-19 antigen test pero mayroon ding nanghihingi ng RT-PCR test.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/22/21/dilg-dot-nais-padaliin-ang-pagbiyahe-ng-mga-turista

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.