Dambuhalang mural ni Marcela Agoncillo, tampok sa Quezon City

Agaw-pansin ang dalawang lumang tore dahil sa dambuhalang mural na ipinapakita ang tinaguriang “ina ng pambansang watawat” na si Marcela Agoncillo sa Barangay Socorro sa Cubao, Quezon City.

Ipininta ito sa mga tore na dating tangke ng tubig at itinayo bago pa ang World War 2.

Tampok din sa mural ang larawan ng kalabaw, mga ibon, at mga halamang matatagpuan sa Pilipinas.

Ayon kay barangay chairman Teodulo Santos, layon ng mural na bigyang-pugay ang mga kababaihang lumikha ng watawat na malaking bahagi ng kasaysayan.

Aniya, “Lahat na lang makikita mo sa internet…pero iba yung makikita mo talaga sa isang pinagpaguran ng isang artist para ma-appreciate natin na may…nagdedicate ng oras diyan at iginuhit itong ganitong klase. Sana ma-appreciate ng mga kabataan.”

Paraan din umano ito upang isulong ang sining at kultura lalo na ipinagdiriwang ang National Arts Month noong Pebrero.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/23/21/dambuhalang-mural-ni-marcela-agoncillo-tampok-sa-quezon-city

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.