WHO: Mga bakuna ipapadala agad basta matapos ang requirements

Noong isang linggo sana dapat dumating ang libo-libong dose ng bakuna kontra COVID-19 ng Pfizer mula sa COVAX Facility, isang inisyatiba ng World Health Organization.

Pero naantala ito dahil sa indemnification agreement na hinihingi ng manufacturers mula sa gobyerno.Mismong si vaccine czar Carlito Galvez na ang nagsabing ayaw na niyang magbitaw ng petsa bagaman tiniyak niyang darating ang mga bakuna.

Ayon kay WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, nagawa naman sa oras ang mga kasunduan ng Pilipinas sa COVAX Facility.

Ang pagkaantala ay nasa pagitan ng pamahalaan at manufacturer.

Aniya, “We believe that limited Pfizer-BioNTech vaccines will be shipped as early as possible once the exchange of letters is completed and requirements met by the Philippine government.”

Dagdag niya, lahat ng bansa ay nire-require na magkaroon ng manufacturer ng indemnification clause.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/23/21/who-mga-bakuna-ipapadala-agad-basta-matapos-ang-requirements

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.