Manila Forum for Philippines-China Relations, idaraos

Sa pagtataguyod ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Association for Philippines-China Understanding, nakatakdang idaos sa ika-3 ng Marso 3 ang unang Manila Forum for Philippines-China Relations.

Sa temang “Magtutulungan para Pasulungin ang Pagbangon ng Kabuhayan — Papel ng Tsina para sa Pagbangon ng Kabuhayang Panrehiyon pagkatapos ng Pandemiya ng COVID-19,” layon ng porum na palalimin ang pagkaka-unawaan at pagtitiwalaan, at bawasan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bansa.

Bibigkas ng keynote speech sa seremonya ng pagbubukas si Jin Liqun, Presidente ng Asian Infrastructure Investment Bank. Dadalo din sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas; Ramon Lopez, Kalihim ng Department of Trade and Industry; mga tauhan ng Asian Development Bank; Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations; at iba pang may kinalamang opisiyal at dalubhasa ng dalawang bansa.

Source: http://filipino.cri.cn/20210225/2dfcff76-5d81-77e5-1cdf-d9f735414915.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.