Bata inagawan ng cellphone at pinatay sa Pampanga; kambal na suspek, arestado

Arestado ang isang kambal sa pagpatay umano ng isang 4-anyos na bata sa San Fernando, Pampanga.

Ayon sa mga awtoridad, naiwan ang batang lalaki matapos mag-igib ng tubig ang kaniyang ina, na nag-iwan sa kaniya ng cellphone. Nang balikan ang bata sa lugar nila, nawawala na ito.

Natagpuan ng pamilya ang bata sa susunod na gabi pero wala na itong buhay. Isinilid ang biktima sa ecobag at itinapon sa talahiban bago natagpuan ito sa tulong ng isang tricycle driver.

Itinuro ng tricycle driver ang kambal na si John Mark at John Kevin Salonga, 18, na sumakay sa kanya na kapitbahay pala ng biktima.

Inamin umano ng kambal na nangangailangan sila ng pera kaya napagdiskitahan nila ang hawak na cellphone ng bata.

Gagamitin umano ng suspek para sa “audition” ang pera na makukuha mula sa cellphone.

Nakakulong na sa San Fernando City Police Station ang mga suspek. Nasampahan na rin sila ng kasong murder.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/19/21/bata-inagawan-ng-cellphone-at-pinatay-sa-pampanga-kambal-na-suspek-arestado

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.