Myanmar, Malaysia nahigitan ng Pinas sa internet speed sa mobile broadband

Nahigitan na ng Pilipinas ang Malaysia at Myanmar pagdating sa internet speed sa mobile broadband dahilan para tumaas ang world ranking ng bansa sa ika-86 mula sa dating 96 ranggo.

Ayon sa January Speed­test Global Index, tumaas mula 22.5 tungo sa 25.7 megabits per second ang bilis ng internet connection ngayon.

Sa pinakahuling global index, pang-anim na ang Pilipinas sa mobile internet speed sa 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.

Naungusan na ng Pilipinas ang Myanmar na ika-88 at Malaysia na ika-94, at nanatili pa rin na nauuna sa Cambodia na ika-106 at Indonesia na ika-121.

Ang limang Asean members na may mas mabilis na mobile internet speeds ay ang Singapore; Thailand; Brunei; Vietnam; at Laos.

Sa fixed broadband speed, bumuti rin ang lagay ng Pilipinas mula sa dating 31.4 Mbps patungong 32.7 Mbps.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/02/22/2079478/myanmar-malaysia-nahigitan-ng-pinas-sa-internet-speed-sa-mobile-broadband

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.