Magkaka-side effects sa clinical trials, sasagutin ng WHO at drug firms

Ang World Health Organization at mga kompanya na gumagawa ng COVID-19 bakuna ang sasagot sa mga magpapaturok sa clinical trials sakaling magkaroon ng side effects o problema.

Sinabi ni Department of Science and Technology Undersecretary Rowena Cristina Guevarra na ang WHO ang sasagot sa pagpapagamot ng mga sasali sa solidarity trials na makakaranas ng side effects, samantalang ang mga gumawa naman ng bakuna ang sasagot sa mga independent clinical trials.

Ani Guevarra, “Mayroon po silang global insurance na bibilhin para doon sa mga volunteers at pati rin po doon sa mga trialists natin. So hindi po gobyerno ang magbabayad niyan.”

Dagdag niya na ang Janssen Pharmaceuticals ay nagsi­mula na noong nakaraang linggo ng independent clinical trials sa Pilipinas bukod pa sa Sinovac at Clover Biopharmaceuticals.

Sa NCR, Region IV-A at Region VI magsasagawa ng independent clinical trials ang Jansen.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/02/21/2079308/magkaka-side-effects-sa-clinical-trials-sasagutin-ng-who-drug-firms

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.