Korapsiyon imposibleng matapos — Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na imposibleng matapos ang korapsiyon sa gobyerno.

Bagaman at nangako ito ay hindi dapat asahan na magiging malinis na malinis ang burukrasya dahil imposible itong mangyari.

Ani Duterte, “I cannot — do not expect me to entirely clean as a pristine clean the bureaucracy. That is impossible and cannot really be achievable. Pero as we go along our way, marami na tayong — talagang itong corruption.”

Pero, mabawas-bawasan din naman aniya dahil ilalaan niya ang natitirang buwan ng kanyang panunungkulan sa pagtugis sa mga korap.

Dagdag niya, “As I have promised the nation, I said I would dedicate the last remaining months of my stay in the Office of the President going after corrupt people. So that by the time…maminus-minus na.”

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/26/2080443/korapsiyon-imposibleng-matapos-duterte

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.