Paghingi ulit ng time out ng frontliners, pinangangambahan kung ma-MGCQ ang buong bansa

Nangangamba ang isang grupo ng mga doktor sa bansa na maulit ang hiling na ‘time out’ ng mga medical frontliner sa posibleng pagdami ng COVID-19 cases ngayong hinihiling ng gobyerno na ilagay ang Pilipinas sa pinakamaluwag na quarantine protocols na inilatag ng pandemic task force.

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, bise presidente ng Philippine College of Physicians, na baka maulit ang nangyari noong 2020 na hindi na halos makapagpahinga ang mga health worker sa pagdami ng COVID-19 cases, kung isasailalim sa modified general community quarantine ang buong Pilipinas.

Ani Limpin, “Kailangan umusad tayo kahit paunti-unti. Huwag yung uusad ka, tapos bigla ka na namang aatras. Yun ang pinakamasakit sa lahat. Ayaw na ho naming gawin yung ginawa namin noon na nanghingi ho kami ng time out.”

Noong Hunyo, humiling ng “time out” ang mga frontliner sa Metro Manila – na nagluwag sa GCQ – at humirit na ibalik sa ECQ ang rehiyon.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/17/21/paghingi-ulit-ng-time-out-ng-frontliners-pinangangambahan-kung-ma-mgcq-ang-buong-bansa

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.