Anti-Smuggling Task Force sa agricultural products hiniling itatag

Upang matutukan ang malawakang smuggling ng agricultural products sa bansa na kung tawagin ay undervaluation at misdeclaration, hiniling ni Nicanor Briones, Pangulo ng Agriculture Sector Alliance of the Philippines at Vice President ng Pork Producers of the Philippines, kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng Anti-Smuggling Task Force.

Ayon kay Briones, bumabaha ng mga frozen products at iba pang agricultural products sa bansa na maliwanag na ang nakikinabang dito ang mga importer o smuggler.

Ito ay nagreresulta ng halos 40 bilyon piso taun-taon ang nawawalang kita ng bansa, na sa halip na malaki sanang tulong ito para sa mga magsasaka, magmamanok at magbababoy lalo na sa panahon ng pandemya upang makabawi ang mga ito sa kanilang pagkalugi lalo na iyong mga tinamaan ng mga peste sa kanilang mga alagang hayop at mga panananim tulad ng African Swine Fever sa mga baboy.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/02/18/2078549/anti-smuggling-task-force-sa-agricultural-products-hiniling-itatag

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.