Mga menor de edad na nabubuntis patuloy na dumarami

Tuloy ang pagsirit ng bilang ng batang maagang nagiging magulang lalo na ngayong pandemya.

Ang isyu ng teenage pregnancy, sabi ng Commission on Population, ay isang krisis na kailangang bilisan ang solusyon lalo na 47 sa bawat 1,000 nanganganak ngayon ay menor de edad.

Sabi ni Popcom executive director Juan Antonio Perez, “Itong mga kabataan na nagsisimula ng pamilya habang menor de edad, sila ang malamang na maiiwan sa pag-unlad ng bayan… Ang mga pamilyang Pilipino na pinangungunahan ng mga batang ina na menor de edad ang pinakadukhang pamilyang Pilipino sa ating lipunan.”

Ayon sa mga eksperto at grupo na nakatutok sa isyu ng populasyon, karamihan ng nabubuntis ngayon o nagkakaasawa ay dahil sa kulang sa edukasyon na nakuha umano sa paaralan, gayundin sa kanilang komunidad.

Kung hindi matutugunan, posibleng sumipa sa higit 133,000 ang mga menor de edad na mabubuntis sa pagtatapos ng 2021.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/17/21/mga-menor-de-edad-na-nabubuntis-patuloy-na-dumarami

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.