DOH naghahanap ng espesyal na syringe para masulit ang COVID-19 vaccine

Para mas maraming dose ng bakuna kontra COVID-19 ang magamit, naghahanap ngayon ng tinatawag na “low dead space syringe” ang Department of Health.

Ito’y matapos sabihin ng Philippine General Hospital na mahirap hanapin ngayon ang ganoong klaseng syringe dahil na rin sa dami ng naghahanap nito sa buong mundo.

Sabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, “All set na po for the ‘low dead space syringe.’ ‘Yon lang ang hindi namin mahanap. Kahit saan humanap na supplier, wala po.”

Ang “low dead space syringe” kasi ay nagagamit para makakuha ng hanggang anim na dose ng bakuna kompara sa lima lang gamit ang normal na syringe mula sa bawat vial ng vaccine.

Ayon sa DOH, ang mga nasa merkado ngayon ay mataas masyado ang presyo.

Pero hindi naman ito umano problema para sa unang batch ng bakuna na manggagaling sa COVAX Facility, na naglalayong mabigyan ng bakuna ang lahat ng nangangailangang mga bansa.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/17/21/doh-naghahanap-ng-espesyal-na-syringe-para-masulit-ang-covid-19-vaccine

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.