Tsina, naging pinakamalaking trade partner ng EU

Ayon sa pinakahuling dato mula sa Eurostat na may punong himpilan sa Luxembourg, umabot sa 586 bilyong Euro ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Unyong Europeo sa 2020; samantala, 555 bilyong Euro ang halaga ng kalakalan ng Amerika at EU.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng EU sa halip ng Amerika.

Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang paglalagda ng China-EU Agreement on Geographical Indications at pagtatapos ng China-EU Comprehensive Agreement on Investment ay magdudulot ng bagong punto ng pagsisimula para sa pagpapalim ng dalawang panig ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Ipinahayag din ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, sa kasalukuyan, aktibong itinatatag ng Tsina ang bagong estruktura ng pag-unlad, na tiyak itong magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa Europa at buong daigdig.

Source: http://filipino.cri.cn/20210219/6ac92082-a192-184a-7369-90369c071c97.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.