Mahabang school year, mas maiksing bakasyon, suportado ng PTA Federation

Suportado ng Parents-Teachers Association Federation ang panukala ng Department of Education na palawigin pa ang kasalukuyang school year.

Ayon kay Willy Rodriguez, pangulo ng grupo, hindi na bago ito para sa kanila.

Pahayag ni Rodriguez, “Sa aming konsultasyon kahapon, regular na pong ginagawa ‘yan. Ang tawag d’yan make up class.”

Sinabi niya na kadalasan ay nagkakaroon ng make up class ng Sabado at Linggo lalo na tuwing may mahabang suspensiyon ng klase dahil sa mga bagyo.

Sinabi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na pinagiisipan na ng DepEd ang pagpapalawig sa school year na magtatapos ng Hunyo 11 at pagpaiksi ng dalawang buwang summer break sa dalawang linggo na lamang.

Mabuti na rin aniya ito lalo pa’t hindi naman napapayagan pang makalabas ang mga bata at wala silang ibang aktibidad. Nanindigan naman ang grupo ni Rodriguez na hindi sila pabor sa face-to-face classes ngayon.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/19/21/mahabang-school-year-mas-maiksing-bakasyon-suportado-ng-pta-federation

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.