Ilang dapat tandaan kung magpapabakuna kontra COVID-19

Idiniin ng mga health frontliner na dapat ingatan at paghandaan ang pagdating ng bakuna.

Paglalarawan ni Christia Padolina, health officer ng Navotas, “parang ginto” dapat kung tratuhin ang bakunang darating sa bansa.

Inaasahang darating ngayong Pebrero ang 117,000 doses ng Pfizer bakuna galing sa COVAX facility ng World Health Organization.

Ibibigay ito sa medical frontliner sa COVID-19 referral hospital, kung saan karamihan ay nasa Manila, na itinuturing ng mga eksperto na virus epicenter.

Kasama sa mga referral hospital ang Philippine General Hospital, na naghahanda para masigurong hindi masasayang ang mga bakuna. Maaaring bakunahan ang 5 tao sa isang vial.

Ani PGH director Dr. Gerardo Legaspi, “Apparently, if you do it very well, you can do 6 0.3 ML doses in contrast to the 5 initially instructed to us. We don’t know if we can do that to the real vaccine because the vaccine is more viscous and maybe harder to aspirate.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/13/21/magpapabakuna-kontra-covid-19-narito-ang-ilang-dapat-tandaan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.