Handcrafted face mask gawa sa Maragondon, Cavite, inaprubahan ng DOST

Inaprubahan ng Department of Science and Technology ang local handcrafted face mask ng Likhang Maragondon sa Cavite.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang Likhang Maragondon ay isang social enterprise sa Cavite na gumawa ng sariling face mask para sa komunidad.

Pahayag ni Dela Peña, “Nakita nila yung opportunity sa face mask so gumawa sila ng sarili nilang design at naghanap sila ng sarili nilang material at nang marinig nilang malawakan nga ang panawagan para magkaroon ng face mask na medically tested, nagpa-test sila ng kanilang initially ginawang face mask sa DOST Philippine Textile Research Institute.”

Tinawag na “Habing Maragondon Face Mask,” gawa sa polyester at cotton ang panlabas na layer at ang knitted hyrdrophobic material at hydrophilic material ay para sa panloob na layer.

Importante aniya ito para matiyak na hindi makakakuha o hindi makapagkakalat ng mikrobyo ang taong gagamit nito.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/12/21/handcrafted-face-mask-gawa-sa-maragondon-cavite-inaprubahan-ng-dost

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.