Mga guro idinaan sa sayaw ang protesta para sa allowance, benepisyo

Dinaan sa sayaw ng grupong Alliance of Concerned Teachers ang kanilang protesta para ipanawagan na ibigay ang kanilang mga benepisyo at taasan ang kanilang mga sahod.

Dahil kakatapos lang ng Valentine’s Day, nadudurog umano ang puso ng mga guro kaya nagsayaw sila sa awiting “Achy Breaky Heart” sa harap ng tanggapan ng Department of Education-National Capital Region sa Quezon City.

Ayon kay Union President Vladimer Quetua, kasama sa mga hinihiling nila ang performance-based bonus, service recognition incentive at monthly communication allowance.

Ani Quetua, “Idinaan namin sa sayaw kasi tamang-tama ‘yon para simbolikong maipakita namin na nagdurugo ang aming puso sa usapin ng benepisyo.”

Hindi rin daw sapat ang 300 piso reimbursement na ibinibigay sa kanila ng DepEd kada buwan para sa communication expenses kaya hiniling nilang itaas ito sa 1,500 piso kada buwan.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/16/21/mga-guro-idinaan-sa-sayaw-ang-protesta-para-sa-allowance-benepisyo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.