Pribadong sektor kumikilos para makakuha ng Novavax, Moderna vaccines

Kumikilos na ang pribadong sektor para makakuha ng suplay ng COVID-19 vaccine ng Moderna at Novavax.

Ito ay matapos ianunsiyong hindi na tumatanggap ng order ng bakuna ang AstraZeneca.

Tumulong ang pribadong sektor para makapag-consolidate ng 8 milyong dose ng Moderna vaccine, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Nasa 800 kompanya naman ang sumali sa briefing at nagpakita ng interes sa bakuna ng Novavax, na may 88 porsiyento umanong efficacy rate.

Pero sinabi na rin ng gobyerno na hindi na magbibigay ng donasyon sa mga pribadong kompanya.

Ani Concepcion, “Hindi na kailangan ng donation kasi malaking bagay na rin na kami ang bumibili ng vaccines para sa empleyado. Itong mga vaccines na ito na Moderna at Novavax, mas mahal ito kaysa sa Astrazeneca.”

Sa Mayo pa darating ang unang batch ng AstraZeneca vaccines na binili ng pribadong sektor at gobyerno.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/17/21/pribadong-sektor-kumikilos-para-makakuha-ng-novavax-moderna-vaccines

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.