Bayad-pinsala sagot ng gobyerno sakaling may side effect ang COVID-19 vaccine

Naisumite na ng Pilipinas sa COVAX Facility ng World Health Organization ang pinirmahan nilang indemnification clause, na rekisito ng Pfizer at Astrazeneca bago maitakda ang petsa ng pagdating ng bakuna sa bansa.

Hinihintay pa kung aaprubahan ito ng vaccine manufacturers, pero nananatiling positibo si vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaaprubahan ito.

Pinoproteksiyunan ng kasunduan ang vaccine manufacturers mula sa pananagutan sakaling may makaranas ng adverse, o negatibong side effects mula sa COVID-19 vaccines. Sa ilalim nito, ang gobyerno ang sasalo sa mga pananagutan.

Ayon kay Galvez, ang lahat ng COVID-19 vaccine manufacturers ay humihingi ng ganitong garantiya.

Hindi pa kasi rehistrado ang mga ganitong bakuna at binibigyan lang ng emergency use authorization para magamit sa gitna ng public health emergency na dulot ng coronavirus pandemic.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/17/21/bayad-pinsala-sagot-ng-gobyerno-sakaling-may-side-effect-ang-covid-19-vaccine

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.