Magpapabakuna kontra COVID-19? Narito ang ilang dapat tandaan

Inaasahang ngayong Pebrero darating ang unang mga bakuna kontra COVID-19, kung saan unang makikinabang ang mga frontliner na nagtatrabaho sa mga referral hospital.

Kaya naman inilatag ng eksperto ang dapat tandaan ng mga pasyente sa pagpapabakuna.

Ayon sa infectious disease expert na si Rontgene Solante, may dapat tandaan ang mga pasyente sa araw ng pagpapabakuna.

Una, dapat walang sintomas ang magpapabakuna. Dapat ding makapagpahinga nang maayos ang pasyente.

Ayon kay Lito Acuin, hospital chief ng Asian Medical Center, kailangang mapanatili ang minimum health standards hanggang sa pagpapabakuna.

Ani Acuin, “The notion of staff safety, it’s good. There’s a fiesta atmosphere, everybody’s having a reunion. But the thing is, we need to maintain minimum standards of safety even during vaccination.”

Matapos mabakunahan, kailangang i-monitor ang sarili kung may kakaibang nararamdaman.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/13/21/magpapabakuna-kontra-covid-19-narito-ang-ilang-dapat-tandaan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.