COMELEC pinalawig ang voter registration hours

Pinalawig pa ng Commission on Elections ang voter registration hours para sa halalan sa 2022.

Ayon sa Comelec, tatanggap sila ng aplikasyon mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Martes hanggang Sabado, maging sa holidays.

Magkakaroon naman ng disinfection sa mga tanggapan ng poll body tuwing Lunes.

Puwede na ring magparehistro ang mga Pilipino na nasa ibang bansa na mga bagong botante.

Ayon sa Comelec, maaaring maghain ng aplikasyon para maging overseas voters sa mga local field registration center mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Nauna nang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na nasa 1.3 milyong eligible new voters ang hindi pa nagpaparehistro para sa halalan 2022.

Itinakda naman ang Oktubre 1 hanggang 8 para sa paghahain ng certificate of candidacy sa lahat ng elective positions.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/14/21/comelec-pinalawig-ang-voter-registration-hours

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.