DILG: 3 sa 10 indibidwal lang sa Metro Manila ang payag magpabakuna

Nasa tatlo lang sa bawat 10 indibidwal sa Metro Manila ang payag magpabakuna kontra COVID-19, ayon sa Department of Interior and Local Government.

Batay sa survey na ginawa ng mga lungsod sa National Capital Region, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na umaabot lang sa 20 hanggang 30 porsyento ng populasyon sa rehiyon ang pabor mabakunahan.

Lubhang mababa ang naturang bilang sa 80 porsyento ng populasyon sa NCR na target ng DILG para magkaroon ng herd immunity.

Wala namang pilitan bilang respeto sa karapatan ng mga tao, ani Densing, pero sisikapin pa rin umano ng pamahalaan sa kumbinsihin ang taumbayan sa pamamagitan ng mga information drive.

Aniya, “Umiikot kami sa Metro Manila, Calabarzon. Sa susunod na linggo, babiyahe rin po kami Mindanao, sa Davao City para ipaliwanag ho sa taong bayan ang importansya ng pagbabakuna.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/14/21/3-sa-10-indibidwal-lang-sa-metro-manila-ang-payag-magpabakuna-dilg

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.