Pondo para sa ICT infrastructure, hiling ng NTC

Upang mas lalong mapabilis ang pagpapataas sa serbisyo ng mga telcos ay hiniling ng National Telecommunications Commission sa pamahalaan na maglaan ng pondo para sa pagpapatayo ng imprastraktura para sa ‘information and communications technology.’

Sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na dapat sundan ng Pilipinas ang maraming bansa sa Asya na gumastos ng bilyun-bilyong dolyar para sa ICT infrastructure.

Sa naturang mga bansa, ang telcos pa umano ang rumerenta sa gobyerno ng signal towers at iba pang pasilidad hindi gaya sa Pilipinas na lahat ng telco infrastructure ay pribadong pag-aari.

Dahil sa paglalaan ng pondo sa ICT infrastructure ng mga kapitbahay na bansa sa Asya ay naging mataas ang internet speed para sa kanilang mga mamamayan na nagdudulot din ng pag-unlad dahil sa maayos na pagnenegosyo.

Inihalimbawa niya ang gobyerno ng South Korea na gumastos ng 24 billion dolyar para sa ICT.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/13/2077321/pondo-para-sa-ict-infrastructure-hiling-ng-ntc

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.