Sunflower farm sa Occidental Mindoro, dinarayo

Dinarayo ngayon ang sunflower farm ng pamilya Zabal sa bayan ng Rizal sa Occidental Mindoro.

Ayon sa mag-asawang Alpha at Serge Zabal, hindi nila inaasahang tutubo at mamumulaklak ang mga itinanim na sunflower seeds mula Thailand.

Pahayag ni Serge, “Ang tinaniman namin almost 200 square meters lang po. Ito po ay experiment lang po. Biro lang na nagtanim pero sabi ko paano po ba ito lalaki. Sa Thailand, ang sunflower nila doon hanggang ulo ko lang po pero ito lampas ng ulo ko.”

Dating teacher sa Thailand ang mag-asawa na mas napadali ang desisyong umuwi for good dahil sa pandemya.

Sabi ni Alpha, “Last March umuwi ‘yung husband ko, after a week nung umuwi siya nag-lockdown na po so naiwan akong mag-isa doon.”

Pag-uwi niya ng Disyembre, naisipan ni Alpha na magdala ng sunflower seed na siya namang sinubukang itanim ng kaniyang asawa sa kanilang farm.

Tumatanggap sila ng mga bisita sa farm sa halagang 10 piso.

Source: https://news.abs-cbn.com/video/news/02/12/21/sunflower-farm-sa-occidental-mindoro-dinarayo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.