‘Worst is over’ sa COVID-19 pandemic

Naniniwala ang pito sa sampung Pinoy na tapos na ang pinakamalalang sitwasyon na pwedeng mangyari sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.

Ito ay batay sa survey na isinagawa sa buong bansa noon pang Nobyembre, isang buwan bago ma-detect ang United Kingdom variant ng COVID-19 na sinasabing mas nakahahawa.

Base sa resulta ng Nobyembre 21-25 poll na ipinalabas ng Social Weather Stations, 69 percent ng mga kalahok ang nagsabing “the worst is behind us” sa global health crisis. Tanging 31 percent ang naniniwalang “worst is yet to come.”

Nagpapakita ito ng pagiging mas positibo ng Pinoy nitong Nobyembre kaysa sa 47 percent lamang noong Setyembre na naniniwalang “worst is over” habang 47 percent ang naniniwalang sa kabaligtaran. 6 percent ang hindi sumagot.

Kalahok sa survey ang higit 1,500 adult na isinagawa sa face-to-face interviews.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/13/2077326/worst-over-sa-covid-19-pandemic

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.