Ikalawang yugto ng pagbabakuna kontra COVID-19, sinimulan ng Indonesya

Opisyal na sinimulan noong Pebrero 17 ng Indonesya ang ikalawang yugto ng pag-iniksyon ng bakuna kontra sa COVID-19.

Ayon sa plano, babakunahan ang 17 milyong tauhan ng pampublikong serbisyo at 22 milyong matatanda bago mag-Mayo 2021.

Samantala, sa pahayag nang araw rin iyon, sinabi ng Sekretaryat ng Gabinete ng Indonesya na sinimulan ng bansa ang malaking saklaw na pagbabakuna noong Enero 14.

Hanggang sa kasalukuyan, nabakunahan na ang 1.5 milyong tauhang medikal, dagdag ng sekretaryat.

Ayon sa pinakahuling datos na ipnalabas ng Pambansang Departamento Laban sa Kapahamakan ng Indonesya, umabot na sa higit 1.2 milyon ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, samantalang mga 34,000 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Source: http://filipino.cri.cn/20210218/f510e8da-2232-7bc1-12b5-e9b9c4417768.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.