Cebu City nag-simulation na ng magiging biyahe ng COVID-19 vaccine

Nagsagawa ng sariling simulation ang Department of Health-Central Visayas sa Cebu City sa pagdating at paghahatid ng bakuna kontra COVID-19.

Ang Cebu at Davao City ang inaasahang tatanggap ng “sobrang” bakuna na matatanggap ng Metro Manila para sa mga health frontliner.

Sinabi ni DOH regional spokesperson Mary Jean Loreche na inabot lang ng 70 minuto ang paghahatid ng bakuna mula sa paliparan hanggang sa cold storage facility sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Aabot sa 2,900 doses ang darating na bakuna sa ospital. Nasa 2,987 ang kabuuang health worker ng ospital, kaya ayon kay Loreche, tama lang ang unang batch ng bakunang ihahatid sa lungsod.

Base na rin sa assessment ng DOH-Central Visayas, kaunti lang ang naging problema sa simulation, at karamihan dito ay may kinalaman sa logistics. Nagpapatuloy din umano ang isinasagawa nilang orientation sa mga empleyado kaugnay ng COVID-19 vaccines.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/10/21/davao-cebu-city-nag-simulation-na-ng-magiging-biyahe-ng-covid-19-vaccine

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.