Ilang private firms gustong bumili ng Novavax vaccine para sa mga manggagawa

Nagpahayag ng kanilang kahandaan na bumili ng COVID-19 vaccine na Novavax mula India ang ilang private firms.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, umabot sa mahigit 1,000 ang sumali sa virtual meeting ng mga interesadong um-order ng naturang bakuna.

Nasa 1,000 piso kasi ang bawat dose ng bakuna na mas mura sa napaulat na 1,700 piso na Moderna.Ani Concepcion, “Mga restaurants, maliliit na negosyante, medium to large companies, na-impress sila dahil 1,000 piso. End-to end-solution siya from warehousing all the way to the end.”

Wala pang commitment ng mga kompanya sa pagkuha ng Novavax pero ayon kay Concepcion, maaari itong maging available sa 3rd quarter ng 2021.

Una nang nag-order ang grupo nina Concepcion ng dalawang batch ng AstraZeneca vaccines na ilalaan para sa mga negosyong nais pabakunahan ang kanilang mga manggagawa kontra sa novel coronavirus disease.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/12/21/ilang-private-firms-gustong-bumili-ng-novavax-vaccine-para-sa-mga-manggagawa

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.