Aral muna: Kabataan, hinikayat ng simbahan na umiwas sa casual sex

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga kabataan na tumutok muna sa kanilang pag-aaral at umiwas sa casual sex.

Pahayag ni Fr. Jerome Secillano ng CBCP Public Affairs Committee, “Ang sa amin moral suasion, meaning to say we encourage the young people to be more responsible in the sense that they can have a relationship but refrain from engaging in this so called casual sex.”

Sinabi ni Secillano na wala namang nagbago sa turo ng simbahan na ang pagtatalik ay ginagawa kapag kasal na ang babae at lalaki. Tanging paalala lamang umano ang magagawa ng simbahan ditto lalo na’t hindi pa handa ang mga kabataan na magtaguyod ng pamilya at magpalaki ng bata.

Sabi niya, “Our concern is really for the young people not to jump into such kind of situation kasi it’s going to be more disadvantageous for them later on…Magtapos, magtrabaho, and then have a relationship that will lead to the altar.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/12/21/aral-muna-kabataan-hinikayat-ng-simbahan-na-umiwas-sa-casual-sex

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.