Mala-prenup shoot ng senior couple patok sa netizens

Viral sa social media ang mala-prenuptial photo shoot ng mag-asawang nagdirwang ng kanilang ika-50 wedding anniversary.

“Love never gets old.” Iyan ang pinatunayan nina Renato Moncera, 81, at asawang si Virginia, 71, na nagdiwang ng kanilang anniversary bilang mag-asawa noong Pebrero 2.

Sila ang viral na couple ngayon sa social media matapos i-upload ng kanilang photographer ang mga larawang kuha pa sa Sarangani, Davao Occidental.

Wala umano silang alam na may mangyayaring photo shoot. Nagulat na lang sila na sinet-up pala ng kanilang mga anak ang mga photographer pati ang make-up artist.

Sabi ni Virginia, “Suprise kasi talaga. Nalaman na lang namin nung nandon na kami sa hotel…Dun ko naintindihan na pakana lahat ng anak namin.”

Sila anila ang patunay na hindi nasusukat sa tagal ng pagiging magkasintahan ang desisyon ng pagpapakasal. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng 12 anak.

Source: https://news.abs-cbn.com/life/02/11/21/viral-mala-prenup-shoot-ng-senior-couple-patok-sa-netizens

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.