Electoral protest ni Marcos vs. Robredo ibinasura ng Supreme Court

Ibinasura ng Supreme Court ang electoral protest na inihain ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni SC spokesperson Brian Hosaka na pitong mahistrado ang nag-“fully concurred” habang ang iba ay nag-“concurred” sa pagbasura sa kaso matapos ang halos limang taon nang isampa ito ni Marcos noong Hunyo 2016.

Pangunahing dahilan ng pagbasura sa kaso ay dahil sa kabiguan umano ng kampo ni Marcos na maipakita ang mga detal­yadong aksyon kung paano nagkaroon ng dayaan.  Wala umanong ibinigay na mga impormasyon tulad ng oras, lugar at kung paano ito nangyari.

Bukod dito, hindi rin nadagdagan ang boto ni Marcos sa ginawang mga recounts sa tatlong pilot provinces kabilang ang Camarines Sur, Negros Oriental at Iloilo kung saan lalo pa ngang nadagdagan ang boto ni Robredo ng 15,000 na naitala sa lampas sa 1.51 milyun kumpara sa 204,500 na nakuha ni Marcos.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/17/2078331/electoral-protest-ni-marcos-vs-robredo-ibinasura-ng-supreme-court

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.