Agam-agam tungkol sa COVID-19 vaccination, pinawi ng mga eksperto sa isang webinar

Sa kabila ng mababang bilang ng Pilipinong nais magpabakuna kontra COVID-19, binigyang linaw ng mga eksperto ang mga agam-agam tungkol sa bakuna tungkol dito.

Ayon kay Dr. Lulu Bravo ng Philippine Foundation for Vaccination, nasa 3 milyong buhay ng kabataan ang naililigtas dahil sa bakuna. Sa ngayon, nasa 29 aniya na mga sakit ang naiiwasan dahil dito.

Kahit mahina ang immune system ng tao, dapat daw talagang dumaan sa malalim na pagsusuri ang inidibidwal sa pamamagitan ng pagpepresenta ng health history, ani Bravo. Makikita kasi dito ang allergies, risk factors, at sakit ng indibidwal.

Masusuri lamang nang maayos ang isang indibidwal kung ibibigay ang lahat ng datos. Pag di raw dumaan sa assessment, hindi mase-schedule para sa bakuna.“

No vaccine is 100 percent safe but most adverse events are minor. Lahat ng immunization na binibigay before ay mayroon talagang adverse reactions,” paliwanag ni Bravo.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/11/21/agam-agam-tungkol-sa-covid-19-vaccination-pinawi-ng-mga-eksperto-sa-isang-webinar

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.